Trak vs AUV: opisyal ng Caloocan police sugatan

GINAGAMOT ngayon sa ospital ang isang hepe ng Warrant and Logistics section ng Caloocan Police matapos maaksidente sa EDSA-Boni Serrano sa Mandaluyong City kaninang madaling araw, Marso 30.

Nabatid na minamaneho ni Senior Inspector Reynaldo Valdez ang kanyang AUV nang sumalpok ito sa isang trailer truck.

Base naman sa pahayag ng driver ng trak, pa-U-turn na siya noon nang biglang sumulpot ang AUV.

Matapos ang salpukan, agad rin namang bumaba ang driver ng truck at tinulungan si Valdez.

Nagpapagaling na sa pagamutan ngayon ang biktima.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply