Transport caravan umarangkada na

UMARANGKADA na ngayon ang transport caravan na ikinasa ng PISTON upang kalampagin ang pamahalaan sa anila’y kawalang-aksyon nito sa sunud-sunod na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

Nagsimulang umusad ang caravan dakong alas-9:00 ng umaga sa tapat ng National Housing Authority sa Elliptical Road, Quezon City.

Tutungo sa Makati City ang transport caravan para magprotesta sa harap ng tanggapan ng malalaking kumpanya ng langis doon.

Bago umusad, ay nagkaroon muna ng dalawang oras na programa ang iba’t ibang transport group.

Dahil binalaan na huhulihin ang sinumang magpa-planking ay nagpa-uso naman ang mga lumahok sa protesta na tinawag nilang “noynoying” o pag-upo sa gitna ng kalye.

Nasakop ng mga nag-noynoying ang halos limang lane ng Elliptical Road.

Hinango ang noynoying sa pangalan ni Pangulong Benigo “Noynoy” Aquino III at sa kawalan umano nito ng aksyon sa patuloy na oil price hike.

Nilinaw naman PISTON na wala silang balak na iparalisa ang biyahe ngayong araw.

Samantala, nakahanda naman ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan sa naturang caravan.

Maaga pa lang ay nagpakalat na ng mga trak ang AFP at MMDA upang magbigay ng libreng sakay sa mga maiistranded na pasahero.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply