Transport group dismayado sa 40 kph limit

DISMAYADO ang Transport group sa plano ng Department of Transportation and Communications (DOTC) na ipatupad ang 40-kilometer per hour speed limit sa mga bus.

Sa ginanap na pulong balitaan sa tanggapan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), sinabi ni Efren De Luna, Presidente ng Alliance of Concerned Transport Operators (ACTO), na walang ginawang konsultasyon ang DOTC sa hanay ng mga transport group patungkol sa naturang plano.

Sinabi ni De Luna na kung ibababa sa 40 kph ang speed limit sa mga bus, tiyak na wala nang sasakay na mga pasahero at mamamatay ang transport industry.

Samantala tahasan namang sinabi naman ni Zenaida Maranan, pangulo ng Federation of Jeepney Operators and Driver Association of the Philippines (FEJODAP) na nagmistulang ala-“Hitler” si Transportation and Communications Secretary Mar Roxas sa pagpapatupad ng 40 kph speed limit.

“Pag-gusto niya agad niyan ipatutupad ang gusto niya, hindi man lang niya kami tinanong kung makabubuti ang plano niya, diktador nayan” sinabi ni Maranan sa Remate Online.

Una rito, inihayag ni Roxas na plano nilang ipatupad ang 40 kph speed limit sa mga bus sa Metro Manila sa Disyembre ng taong kasalukuyan upang mabawasan ang mga aksidenteng kinasasangkutan ng mga bus.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply