Trapik na naman!

TRAPIK NA NAMAN?!

Asahan na umano ang mabigat na daloy ng trapiko sa ilang mga lansangan sa Metro Manila ngayong darating na weekend.

Ito ay bunsod ng gagawing pagkukumpuni sa ilang mga kalsada ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Simula alas-10:00 ng gabi ngayon, March 2, hanggang alas-4:00 ng umaga sa Lunes, March 5, ay itutuloy ng DPWH ang pagmamantine sa mga sumusunod na kalsada:

– Aurora Boulevard (Southbound), Pasay City mula EDSA hanggang Aurora Bridge;

– New Panaderos Street, Sta. Ana, Manila, mula Sta. Ana Church hanggang Lamayan Street;

– South Superhighway (South Bound) mula Zobel Roxas Street hanggang Quirino Avenue;

– Bahagi ng EDSA sa Quezon City partikular na ang Southbound, 3rd lane mula sa West Avenue hanggang Quezon Avenue, gayundin ang Northbound 5th lane mula Corregidor hanggang Fema Road;

– Eastbound ng Batasan mula IBP hanggang San Mateo

– EDSA, Caloocan City partikular na ang Northbound lane patungo ng Monumento, 3rd lane mula sa center island, sa pagitan ng F. Aguilar Street at Tirona Street gayundin ang Northbound lane patungo ng Monumento, 4th lane mula center island sa pagitan ng Don Vicente Ang Street at Evangelista Street kasama na ang 5th lane sa pagitan ng Arellano Street at M. Ponce Street;

– Aurora Boulevard (eastbound) mula 15th Avenue hanggang 20th Avenue.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply