Traysikel sinuwag ng trak: 1 tigbak

ISA ang patay habang isa naman ang kritikal at tatlo pa ang sugatan nang suwagin ng 10-wheeler truck ang isang tricycle sa Pontevedra, Negros Occidental kaninang umaga.

Dead on the spot sanhi ng tinamong kapansanan sa ulo at katawan ang biktimang si Vicente Blanza, residente ng Barangay Miranda, Pontevedra na siyang nagmamaheno ng traysikel.

Isinugod naman sa isang ospital sa Bacolod ang mga sugatan na sina Crizia Joy Panaligan, 12, na nasa malubhang kondisyon; Jemila Joy Gregorio,15; Alicia Soliguen, 12 at Niel Vincent Gregorio, 14, pawang mga residente ng Barangay Miranda sa naturang bayan.

Ayon kay PO3 Ronel Casugod ng Pontevedra Police Station, nangyari ang aksidente dakong alas-7:30 kaninang umaga sa Barangay Recreo sa nasabing bayan matapos hindi kaagad namalayan ng drayber ng trak na si Roberto Ariston na may biglang sumulpot na traysikel sa kanyag haparan na mula sa eskuwelahan.

Nakapagpreno pa ang naturang drayber ngunit nabundol pa rin nito ang hulihang bahagi ng tricyle kaya tumilapon sa daan ang drayber na si Blanza at nasagasaan pa ng trak na naging dahilan ng kanyang pagkamatay.

Napag-alaman na mula sa paaralan si Blanza matapos inihatid ang kanyang misis ng mangyari ang aksidente.

Nasa kustodiya na ngayon ng Pontevedra police station ang drayber ng trak na si Ariston.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply