Trike nabundol ng tren; drayber utas

NAMATAY ang tricycle driver nang mabundol ng isang rumaragasang tren ng Philippine Railways sa Cabuyao, Laguna kaninang madaling araw.

Ang tren ay patungong Maynila kaninang 5:30 ng madaling araw nang biglang tumawid ang tricycle na may sakay na dalawang pasahero.

Dead on the spot ang driver ng tricycle habang ang dalawang pasahero ay nilalapatan ng lunas sa ospital.

Ayon kay Chief Supt. Arnel Bungona, hepe ng Cabuyao police, tinamaan ang hulihang bahagi ng tricycle at tumalsik ang driver na ikinamatay nito at ikinasugat nang malubha ng dalawang pasahero.

Kasalukuyang iniimbetigahan na ang insidente.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply