Tsunami warning itinaas na sa Japan

ITINAAS na ang tsunami alert sa east coast ng Honshu, northern Japan makaraang maglindol ng magnitude 6.8 kanina.

Ang epicenter ng lindol ay naitala 146 miles (235 kilometers) sa katimugang bahagi ng Kushiro, Japan, at may lalim na 16 miles (26 kilometers).

Ayon sa Japan Meteorological Agency, inaasahan ang pagtama ng tsunami na may taas na 50 sentimetro sa Aomori at Iwate prefectures.

Kung maaalala, isa ang rehiyon ng Iwate na sinalanta ng magnitude 9.0 na lindol noong nakaraang taon na sinundan pa ng tsunami at ikinamatay ng humigit kumulang 20,000 katao.

Wala namang napaulat na casualties sa tumamang malakas na lindol sa nasabing bansa.

Nitong Linggo lang nang ginunita ang anibersaryo ng magnitude 9.0 na lindol na tumama sa kanilang bansa noong March 11, 2011.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply