Tuition fee increase iimbestigahan

NAGHAIN ng resolusyon sa Kamara si Kasangga Partylist Rep. Ted Haresco upang maimbestigahan ang nakaambang tuition fee increase sa mga pribadong paaralan sa bansa.

Ayon kay Haresco, hindi kayang kontrolin ng Department of Education (DepEd) at Commission on Higher Education (Ched) ang pagtaas ng tuition fee.

Naniniwala ang mambabatas na dapat na ikonsulta muna sa mga magulang ng mga mag-aaral ang pagtaas ng matrikula at miscellaneous fee.

Iginiit din niya na dapat nang i-regulate ang pagtaas ng matrikula, na aniya ay pangunahing naaapektuhan ay mga mag-aaral at kanilang mga magulang.

Samatala, sinusuportahan naman ng Kabataan Partylist ang planong imbestigasyon sa Kamara ng tuition fee increase.

Naniniwala si Kabataan Rep. Raymond Palatino na dapat siyasatin ng Kamara ang naturang usapin upang mabigyan ng tamang desisyon.

Nabatid na nagpaabot ang mahigit 70 paaralan sa Kalakhang Maynila sa DepEd na magtataas sila ng matrikula.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply