Tuloy ang pagreretiro ko– Marquez

INIHAYAG ni three-division world champion Juan Manuel Marquez na magreretiro na siya sa boxing ngayong taon.

Aniya, marami na siyang napatunayan at nararamdaman na niyang dapat na siyang magpaalam sa daigdig ng palakasan na minahal niya para pagtuunan ng pansin ang kanyang pamilya.

Inaasahang lalaban si Marquez sa Abril 14 o 21 sa New Mexico City Arena laban kay undefeated Argentinian Cesar Cuenca sa isang bakbakan para sa WBO super lightweight interim world title.

Ngayong linggo pa lang umano isasapinal ang negosasyon sa naturang laban.

Dagdag pa ni Marquez, inaasahan niya na bago siya magretiro ay magkaroon sila ng 4th clash ni Manny Pacquiao.

“I’ll possibly do a rematch with Pacquiao, but I’ve gained a good position in the boxing world and when it comes time to retire it will be difficult but I accept it. For now, plans are to fight in April and then in July and finally in November but you know how boxing is. Nothing is certain until the night of the fight,” sabi pa nito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply