Tuwang-tuwa sa blakawt

NAKIKIPAG-AWAY ang bosing ng Department of Energy sa mga lokal na opisyal ng Mindanao.

Sinasabi ni bosing na matagal na siyang nagbabala ukol sa pagkakaroon ng kakulangan ng kuryente sa Mindanao.

Upang matugunan ito, dapat umanong magkaroon ng mga pradyek gaya ng pagtatayo ng mga bagong planta pero hinaharang umano ng mga lokal na opisyal ang mga proyekto niya.

At katunayan umano, may naitayo nang isang planta na operational sa darating na mga taon.

Pansamantala, dapat na magtiis muna ang lahi ni Juan sa Mindanao hangga’t hindi nagagawan ng paraan ang mga blakawt at brawnawt sa maraming barangay, bayan at lungsod diyan, sabi.

Pagtitiisan din umano ang mahal na kuryente kung gusto ng mga taga-Mindanao na magkaroon ng 24 oras at 365 araw na kuryente.

oOo

Itong mga mambabatas ay natataranta rin. Ang gusto naman nilang remedyo ay bigyan si PNoy ng emergensi pawer bilang pangontra sa blakawt at brawnawt.

Sa pamamagitan lang umano ng martial law istayl na paraan masasagot ang nasabing mga problema. Sa emergensi pawer, pupuwede na bang iteykober ang mga planta ng mga pribadong kompanya at ang gobyerno ang mag-oopereyt?

Atras-abante naman si PNoy rito. Pero pansamantala, kakorus ni PNoy si Rene Almendras diyan sa DOE sa pagsasabing “magtiis” kayo na taga-Mindanao.

Magmamahal ang kuryente dahil umano sa pag-andar ng mga pribadong power plant na pinaaandar ng mahal na langis.

oOo

Teka muna, ‘di ba may power plant ang gobyerno na kayang lumik-ha ng kuryente na 400 megawatts pero hindi inaayos para masolb ang problema? Nasaan nga pala ang mga ito?

Sa gitna ng lahat ng ito, nagkakandatuwad sa tuwa ang mga negosyante sa kuryente at ang mga onorabol dahil kumikita sila sa EVAT sa kuryente.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply