Tuwid na daan hamon sa bagong PNPA graduates

DAANG matuwid pa rin ang hamon ni Pangulong Bneigno “PNoy” Aquino na dapat tahakin ng mga bagong nagsipagtapos sa Philippine National Police Academy ngayong araw sa Silang Cavite.

Pinangunahan ni Pangulong Aquino ang graduation rites para sa 220 nagsipagtapos  sa PNPA Sinagtala Class 2012 kung saan naging tampok sa kanyang mensahe ang paglaban sa graft and corruption na umano’y sumira sa imahe ng PNP.

“Sa mga magsisipagtapos ngayon, kumpiyansa akong taas-noo ninyong maisusuot ang bagong uniporme at maipagmamalaki ang inyong papel sa lipunan,” bahagi ng mensahe ng Pangulo.

Sa kabuuang 220 nagsipagtapos sa Sinagtala Class, 185 nito ay magsisilbi sa  Philippine National Police; 14 naman ay piniling mapunta sa Bureau of Jail Management and Penology at 21 naman ang mapupunta sa Bureau of Fire Protection.

“Bilang mga bagong pulis, bumbero at warden, maipagmamalaki ninyo na bahagi na kayo ng propesyong kinikilala at nirerespeto ng mamamayan, hindi dahil sa korapsiyon o pangongotong, kung hindi dahil sa inyong sakripisyo at katapatan,” dagdga pa ng commander in chief.

Higit umanong dapat na tularan ng bagong graduates ang mga ipinapakitang katapatan at kagitingan ang mga nauna sa kanilang hanay gaya nina P/Sr.Insp. Jay Demaala sa Panabo, Davao del Sur; P/Sr./Insp. Charity Galvez sa Agusan del Sur at BJMP sa Kidapawan na nagpaatras sa mga rebeldeng umatake sa binabantayang lugar.

Sinabi ng Pangulo na mapalad ang mga bagong pulis, jail guards at bumbero dahil hindi na katulad dati ang ahensyang papasukan.

Ayon sa Pangulo, siya mismo ang manguna sa pagharap ng mga ebidensyang patunay sa pagbabago ng kapulisan.

Kabilang umano dito ang bumabang crime volume sa bansa na mula sa mahigit 500,000 noong 2009, kalahati ang ibinaba nito noong 2011, gayundin ang kaso ng carnapping.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply