TV host-actor na medyo may edad na ladladera pa rin

FRESH from San Francisco ang ating nasagap na kabaklaang blind item na kinwento recently lang ng rich businessman naming friend na madalas mag-travel abroad. Say pa ng aming informer na kailanman ay hindi kami kinuryente, tumawag from the States ang kumpare niya sa kanya. Ibinalita nitong pareho silang naka-check-in last week sa Hilton Hotel sa San Francisco ng not so young but not so old ng kilalang TV host-actor na noon pa ay napababalita ng may bahid pero hindi naman all-out ang pagkabaklita nito kundi silahista lang.

Heto na ang eksena, sa coffee shop ng hotel dinig na dinig ng kumpare ng aming friend ang malulutong na mura ni nasabing actor at nagta-truntrums raw ito dahil nu’ng mga oras na ‘yun ay wala ang kanyang type na macho-gwapitong foreigner food server. Ito raw ang favorite niyang nagsi-serve sa kanya everytime na mag-check-in siya ng Hilton. Nawala lang daw ang galit nito nang may lumapit sa kanyang maskuladong Pinoy server.

Siyempre dahil Pinoy ‘yun ay kilala siya. Ang ginawa raw ni actor habang kinukunan sila ng picture ay ni-request nito sa Papang nagpakuha sa kanya na akbayan siya nito. Hindi pa raw ito nakuntento, hinawak-hawakan pa niya ang balakang ng waiter. Grabe!

May edad na pero ladladera pa rin pala.

Zinolala si TV host-actor? Naku ask n’yo na lang sa namayapang lady entertainment columnist na very close sa said actor. Kuha nyo gyud!

***

The Buzz laging una sa paghahatid ng mga pinag-uusapang isyu at intriga sa showbiz

KAYA nga mahigit isang dekada (13 years) na sa ere at hanggang ngayon ay nanatiling number one sa National Ratings ang The Buzz kasi pagdating sa paghahatid ng mga pinag-uusapang isyu at intriga plus their exclusive stories and interviews ay lagi silang nauuna compared sa mga katapat na showbiz talk show riyan.

Yes, ang The Buzz nina Kuya Boy Abunda, Toni Gonzaga at Charlene Gonzales ang show na puwedeng umabot ng dalawa hanggang tatlong dekada na hindi pagsasawaan ng kanilang viewers rito sa Pinas at mga bansang loyal subsciber ng The Filipino Channel (TFC). Pano ka naman mauumay sa kanila? Sa bawat episode ay parati silang may hatid na fresh news sa showbiz. Minsan, nga magugulat ka na lang at guest na nila si ganitong celebrity na kinabukasan ay pinag-uusapan na sa iba’t ibang tabloids, broadsheet at ilang social networking sites.

Hindi naman kasi pa-relax-relax o patulug-tulog na lang ang writers at researchers ng The Buzz kundi nagtatrabaho talaga ang mga ito at laging nakikipag-communicate sa kanila ang kanilang Executive Producer na si Ms. Nancy Yabut at Sir Louie Andrada na kanilang Business Unit Head.

Siyempre, higit sa lahat, maraming alam din na issue sa showbiz si Kuya Boy na kaagad naman niyang sini-share sa kanyang naggagandahan at talented na co-hosts na sina Charlene at Toni. Kumbaga group effort talaga ang sikreto sa likod ng malaking tagumpay ng show at kung ang iba riyan ay super baduy ang mga hosts, (hello! Manang Cristy Fermin at ang tigbak na nitong Chakarazzi) aba’y super classy naman pagdating sa kanilang mga outfit ang mga host ng The Buzz that gets aired every Sunday from 4:00 pm to 6:30 pm after “Luv U” over Kapamilya Network. The said world-class showbiz talk show is from the direction of Onat Diaz.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply