TV host puro libog pero mahina sa sex

TOTOO ba ang ating nabalitaan na mahina na raw pagdating sa kama o sa sex ang isang TV host na ito pero saksakan pa rin ng libog at kamanyakan.

Sa kuwentong nakarating kay matang kuwago ng Remate wala na umanong gana pagdating sa kama ang TV personality na ito dahil sa lubha na siyang sawa.

Pero infarness, tumatayo pa naman at nakaiisa pa ang TV host na ito pero sobrang dalang na.

Dagdag ng source, ang hanap na lamang umano ng TV host na ito ay mag-aalaga sa kanya na babae na tipo bang mayroong magmamasahe sa kanya, malalambingan niya at higit sa lahat makakausap niya pero ang makipagtalik nang bonggang-bongga ay hindi na niya hinahanap-hanap dahil sa pinagsawaan na niya ito.

Ilang iskandalo na rin ukol sa kamanyakan at kalibugan ang naiisyu sa TV host na ito na ang isa na nga rito ay naging daan pa upang masuspinde siya panandalian at muntik-muntikan pa siyang mademanda.

Aminado pa ang ating source na maraming nagpapansin at nagpapantasya sa TV host na ito subalit hindi na lang niya pinapatulan dahil sa katwiran niya na bagamat marami siyang pera ay napaglipasan na rin naman siya ng panahon.

Ang TV host na ito ay kilalang milyonaryo subalit hiwalay sa kanyang asawa at aminadong nalulungkot sa tuwing uuwi siya sa kanyang magarang tahanan dahil sa nag-iisa na lamang siya sa buhay.

Ang TV host na ating tinutukoy ay isang lalaki, may pagka-komedyante at higit sa lahat, isang malaking kontrobersya ang naganap sa kanyang buhay bilang TV host na naging daan upang malipat siya sa isang istasyon kung saan sikat na sikat siya sa ngayon.

May letrang W as in wagi o winner sa kabuuan ng kanyang pangalan.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply