TV5 tinatabangan na kay Ate Guy

TAHIMIK ngayon si Nora Aunor dahil wala namang trabaho. Sabi may gagawin siyang indie film, pero ginagawa pa yata sa India ang script. Hehehe!

Ewan natin sa TV5 at balitang hirap daw silang gawan ng project si Nora. Bakit, kailangan pa ba ang public bidding para maisakatuparan ang proyektong ito? Joke! Hahaha!

Isang serye raw ang nakaplano for Ate Guy ng kanyang home studio. Hindi lang nila magawan ng istorya. Sa pera wala namang problema. Si Mr. Manny Pangilinan pa na paluwal lang nang paluwal ng kadatungan kahit walang ROI (return of investment) ang mga programa sa kanyang TV station.

Mabalik tayo sa proyekto. Hindi ba dapat once na nakapirma na ang isang contract artist ay planado na lahat ang mga gagawin nito sa istasyon? E, Superstar ‘yang pinapirma nila dapat sinasalpakan agad nila ng gawain nang hindi nababato. Hhmmmm…nabawasan na ba ang bilib nila kay Bulilit?

At sana, kapag binigyan nila ulit ito ng work ay huwag nang maging pre-programming nito si Willie Revillame, ang TV host na mahilig mangamkam ng oras nang may oras at baka hindi makapagpigil ang mga Noranians masugod nila ito sa studio at mahila pa ang balls. Yuck!

Anyway, ang pinagkakaabalahan daw ngayon ni Ms. Aunor ay ang kanyang ‘special friend’ na si papa John Rendez. Abala raw ang lola nyo sa pag-asikaso sa album na ginagawa ng kinakalawang ng rapper and metal rock singer.

E, labs nito ang dambuhalang binata kaya wala na tayong ma-say. Paalala lang, asikasuhin mo muna na magkaroon ka ng sariling bahay Ate Guy dahil hindi ka naman pabata pa.

Habang may lakas at naniniwala pa sa galing mo samantalahin mo ito. ‘Yan po ay payo ng isang di maka-Nora pero nagmamalasakit sa kanya. Copy ba, Noranians? Okey.

o0o

Dra. Vicki Belo ka-date si Hayden sa Germany

MAY mga bulung-bulungang nagkabalikan daw sina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho ngunit nakumpirmang hindi naman ito totoo. Ayon sa anak ng una na si Cristalle Henares, hanggang ngayon daw ay patuloy pa sa pag-iyak ang kanyang mommy. Nililibang na lang daw nila ito para makalimutan ang dating kasintahan. Gayundin ang kanyang ina, nagpapaka-busy na lamang daw sa work para maiwasang ma-miss ang dating sweetheart.

Pero kaduda-duda ang pag-iwas ni Cristalle sa tanong na kung magkakabalikan ang kanyang mommy at ang dating doktor bigla siyang natameme. Aniya, “Okay na yun, ang dami ko nang nasagot.” Hindi rin nito nilinaw kung sino ang kasama ng kanyang madir sa pagpunta nito sa Germany.

Anyway, si Al Galang, ang inaakusahang baklitang yoga instructor na dumidiskarte umano sa doktora ng mga artista ay talagang friend lang ng huli. Kabarkada lang ito na minsan ay nakakasama sa mga lakaran. Katulad din ng isa pang nali-link kay Ms. Belo na si Edward Mendez, ang actor-model na rating pinagselosan daw ni Hayden ay tropa rin daw ng sikat na beauty consultant.

o0o

Matteo hingal-kabayo sa pagtakbo makatulong lang sa iba

HINDI ininda ng tanyag na Kapamilya star na si Matteo Guidicelli ang antok at pagod upang makilahok sa taunang

“Takbo Para sa Karunungan” kasama ang 3,500 mananakbo noong Sabado (Mar. 11) sa Quirino Grandstand sa Maynila. Ayon sa aktor na tumakbo sa 10km race, kailangang pagtuunan ng pansin ang pag-aaral ng kabataan nang matulungan din nila ang kanilang pamilya at komunidad. Bilang patunay sa kanyang dedikasyon sa pagsulong ng edukasyon ay nangako itong muling lalahok sa fun run sa susunod na taon.

Tulad ni Matteo, tumakbo rin ang ilang DZMM anchors na sina Karen Davila, Ariel Ureta, Cory Quirino, Freddie Webb, at Gerry Baja sa DZMM fun run, na nangalap ng pondo para tugunan ang pag-aaral ng 75 iskolar na nasalanta ng bagyong Ondoy sa Mega Manila at ng bagyong Sendong sa Cagayan de Oro at Iligan.

o0o

Enpress ‘di nakaka-impress

BILIB na sana kami sa grupong Enpress dahil halos lahat ng miyembro nila ay legitimate writer. Iyon nga lamang, hindi kami na-impress sa kanilang desisyon lately na huwag isali si Batangas Gov. ER Ejercito sa kategoryang Best Actor dahil daw sa binakuran na ng isa nilang member ang alaga nitong si Dingdong Dantes na di maging kalaban sa nasabing nominasyon ang darling of the press na si Gov. ER.

Natakot yata ang PRO na ‘to na matalo ang alaga niya dahil kapag pinagbotohan na nila ito, hindi siya tiyak kung sino ang maka-Dingdong sa grupo nila o ang maka-ER. Let’s face it, marami rin ang kasali sa Enpress na bilib kay Governor. Hindi lang sila makakibo dahil ang namumuno sa kanila ay manok na itong si Dantes.

Akala namin nang kumalas ang karamihan sa kanila sa PMPC at nagtayo ng sariling samahan ay mas magiging malawak, bukas at malaya ang kanilang kaisipan sa lahat ng bagay, iyon pala’y iisa rin lang ang goal ng iba sa kanila, ang ‘Manny Many Prizes’ ni Manny Pacquiao. Hehehe!

o0o

Para sa inyong mga opinyon at reaksyon, tumawag lamang o mag-text sa  #09074582883 at #09351851227 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoon.com at maari n’yo rin kaming silipin sa aming Facebook account, i-type lamang ang aming pangalan. Mabalos!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply