Typhoid fever sa Cebu: 4 na ang patay, 558 nadale

TINATAYANG apat na ang nasasawi habang 558 naman ang naitalang kaso ng typhoid fever sa Tuburan, Cebu.

Ayon kay Dr. Cristina Giango ng Cebu Integrated Provincial Office, mula sa walong barangay ng Tuburan ang mga nadale ng sakit.

Nagpadala na ang Department of Health (DOH) ng karagdagang medical team para tumulong sa mga apektadong residente.

Ayon naman kay Renan Rimafranca ng DOH Regional Epidemiology Surveillance Unit (RESU), nagsasagawa na sila ng proactive approach upang tugunan ang problema tulad ng pamimigay ng chlorine solution at paglalagay ng chlorinators.

Base sa kanilang pagsusuri, maruming tubig ang naging dahilan ng typhoid fever kaya payo nila sa mga residente, pakuluan muna ang tubig bago inumin.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply