Ulo ng gown designer pinasabog ng nobyo

SABOG ang ulo ng isang gown designer nang barilin ng kanyang karelasyon sa Quezon City kaninang madaling-araw.

Dead on the spot sanhi ng tinamong tama sa kanang bahagi ng ulo at sa katawan si gown designer Vicente Maglente.

Hinahanting na ng Quezon City Police District Criminal Investigation and Detection Unit QCPD-CIDU), upang panagutin sa krimen ang suspek na lulan ng hindi naplakahang motorsiklo na ang isa ay hinihinalang nobyo ng biktima.

Ayon sa CIDU,  naganap ang insidente alas-12:15 ng madaling-araw sa isang bisinidad ng San Mateo Road sa Barangay Batasan Hills.

Bago ito, nakarinig ng tatlong magkakasunod na putok ang mga residente na ang isa ay nakilalang si Allan Dator, nagsabing may nakita siyang dalawang lalaking sakay sa motorsiklo na kumaripas ng takbo matapos marinig ang mga putok.

Hinala naman ng CIDU na may kinalaman ang nobyo sa pagpatay kay Meglente dahil nakita sa huling mensahe sa cellphone ng biktima na may kaaway ang biktima na tinatawag nitong “mahal.”

Sinabi naman ng kapatid ng biktima na si Jorge,  na wala siyang alam na kaaway ng kanyang kapatid at maging ang motibo sa pagpatay dito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply