Umento sa sahod sa Bicol Region epektibo sa Abril 7

INANUNSYO ng Department of Labor and Employment (DOLE) na simula sa Abril 7 ay epektibo na ang wage increase para sa mga minimum wage earner sa Bicol Region o Region 5.

Ang anunsyo ay ginawa ni DOLE Regional Office director V at Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) chairman Nathaniel Lacambra, matapos ang pagkakalathala ng resolusyon para sa wage increase sa Bicol Region.

Nangangahulugan aniya ito na sa Abril 15, o unang kinsenas na sweldo ng mga Bicolano worker ay matatanggap na nila ang kanilang umento sa sahod.

“Counting the 15-day publication period as provided for by law, the new wage order will be fully implemented on April 7. So, Bicolano workers will enjoy the wage increase by April 15, sa unang kinsenas na suweldo nila,” ayon kay Lacambra.

Nabatid na ang wage increase ay mula sa P3 hanggang P23 kada araw na suweldo sa lahat ng pribadong establisimyento sa Bicol Region.

Ipinaliwanag ni Lacambra na ang dagdag-sweldo ng isang manggagawa ay depende sa industriya at uri ng kompanya na kanyang pinagtatrabahuhan.

Aniya, ang mga manggagawa na nasa kategorya ng personal service ay hindi sakop ng minimum wage order, tulad na lamang ng mga kasambahay, personal drivers, body guards at iba pa.

Para naman sa mga nasa kategorya ng non-agriculture, ang isang establishment na may mahigit sa 10 manggagawa ay dapat magpasuweldo ng minimum daily rate na P252, habang ang mga establishment na mas mababa sa 10 ang empleyado at nasa cottage and handicraft industries ay dapat magpasweldo ng P228 kada araw.

Ang mga nasa kategorya naman ng agrikultura ay makatatanggap na ng P228 daily wage rate.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply