Unang Catholic church sa Sagada itatayo

SISIMULAN na ngayong taon ang konstruksiyon ng kauna-unahang Catholic church sa Sagada ng Vicariate of Bontoc-Lagawe.

Ayon kay Father Pablo Lumiwan, rector ng Sagada Mission, ang naturang simbahan ay magsisilbing bagong center ng misyon sa Sagada.

“In our desire to expand the Catholic presence in Sagada, we see the need to continue the construction of a shrine,” ayon pa kay Lumiwan.

Dagdag pa nito, ang simbahan din ang magbibigay ng devotional destination para sa mga turistang Katoliko na naghahanap ng malapit na simbahan kung saan sila maaaring manalangin at magdiwang ng Eukaristiya.

Nabatid na ang ground breaking para sa simbahan ay isinagawa noon pang 2009 ngunit ngayon pa lamang matutuloy ang konstruksiyon nito dahil sa kakulangan ng pondo.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply