Unang Metro Hill Climb, tagumpay!

SA KAUNA-UNAHANG pagkakataon, idinaos ng Hill Climb Club of the Philippines ang Metro Hill Climb Challenge noong ika-4 ng Marso sa kilalang “Shotgun road” sa bundok ng San Mateo, Rizal.

Ang defending champ na si Carlos Anton ang nakapagtala ng Best Time of the Day na 1 min.,37.13s, at siya rin ang nanguna sa Group 5 category. 2nd placer para sa group 5 category at maging sa Best Time of the Day ay si Danby Yaptinchay na nakapagtala ng 1 min.,42.22s. Ang 1st placer ng Group 4 category na si Alfie Concepcion ang kumumpleto sa top 3 ng Best Time competition.

Samantala, ang mga dati nang Hill Climbers na sina Ivan Isada at BJ Frondoso ay wagi rin sa kani-kanilang kategorya. Nakapagtala si Frondoso ng 2 min.11.25s sa Group S category, habang si Isada naman ay nakapagtala ng 2 minutes, 6.27s sa Group 1. Ang tropeo para sa Group 2 category ay inuwi ni Rocky Fianza at sa Group 3 naman ay si Borek Fallorin.

Nagkararoon pa nga ng isang tie-breaker match sa pagitan nina Ramil Madriaga at Norma dela Pena ng Group 5 category,nang pareho itong nagsumite ng 1  minute, 50.26s run time. Sa huli, si Madriaga ang nakakuha sa top 3 spot, nang maunahan niya si Dela Pena ng .73s lamang sa kanilang rematch.

Ang susunod na Metro Hill Climb-NCR Series ay gaganapin sa April 22. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang kanilang Facebook page na Hill Climb Club of the Philippines.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply