Unang pasada ng Shell Advance 2012

UMARANGKADA nang muli ang Shell Advance Motorcycle and Underbone Challenge para sa taong 2K12 noong nakaraang Pebrero 25, sinimulan nila ang kanilang Luzon invasion sa Caloocan.

Ang 10th avenue ay pinuno ng mga parokyano ng taunang Shell Advance event umaga pa lamang ng Sabado hanggang sa kinahapunan. Present ang Suyaki Motors para sa libreng change oil at ang Lubestraders naman ay nagtayo ng booth kung saan naka-display at binebenta rin nila ang kanilang mga produkto.

Nananlo ng 1st place cash prize na P5,000 si Marck Reyes para sa time trials. Ang 2nd placer na si Ronald Salamanes ay nakatanggap naman ng P3,000 at ang 3rd placer na si Floro Besina ay P2,000.

Para naman sa Best Dressed category ng Stock Motorcycles, nagwagi ng P2,000 ang motor ni Aliasa Macaangos habang ang kina Verlito Resatauro at Nasroden Mamarinta ay naka-2nd at 3rd place. Sa Open Motorcycle category, ang top 3 winners ay sina: Angela Sierra, Ricardo Para, at Nicasio Cuenza.

Umabot sa halos sa bente mil (P20, 000) ang mga papremyong ipinamigay sa mga naging challenges ng araw na iyon, kasama na riyan ang Biker Babe of the Day, Biker Boyz, at Best Helmet Design.

Sa dami ng taong dumagsa nang araw na iyon, karamihan sa kanila ay miyembro ng Rush Riders club. Na siyang nanalo ng dalawang karton ng Shell Helix Ultra bilang papremyo sa Most Number of Club Attendees.

Maliban sa cash prize, ang lahat ng nanalo ay nakatanggap rin ng Shell Advance Jacket at trophy.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply