UP Los Baños stude, pumalag sa holdap tigbak

GRINIPUHAN sa dibdib ang isang estudyante ng University of the Philippines (UP) Los Baños (UPLB) nang kumasa sa dalawang holdaper sa Laguna kaninang madaling-araw.

Dead on arrival sa Los Baños Doctors Hospital (LBDH) sanhi ng isang saksak sa kanang bahagi ng dibdib si Bernard Peñaranda, 19, may kursong BS Agriculture sa UPLB.

Ikinasa na ni Los Baños Police chef Supt. Dante Novicio ang pagtugis para panagutin sa krimen ang dalawang suspek na mga miyembro ng kilabot na motorcycle-riding gang.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong 1:30 ng madaling-araw sa F.O. Santos St., Umali Sudivision, Los Baños.

Ayon kay Novicio, bago ang pananaksak ay naglalakad ang biktima sa lugar kasama ang dalawa nitong kaklase nang biglang sumulpot ang mga suspek at nagdeklara ng holdap.

Imbes naman ibigay ang cellphone at pera, tumanggi si Peñaranda na miyembro ng Youth For Christ, UP Entomological Society at Makiling Ultimate Club kaya sinaksak ito ng isa sa mga suspek.

Dahil sa pangyayari, tumakas na lamang ang mga suspek sa takot na may dumating na mga residente at kuyugin sila.

Naganap ang insidente 5-araw matapos ang rape slay sa 14-anyos na dalagita na si Rochel Geronda sa Los Baños at ang ikalawang pagpatay sa isang UPLB student ngayong semester.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply