UPDATE: 1 patay, 4 sugatan sa holdapan sa mall sa Pasig

ISA patay habang apat na iba pa ang nasugatan nang holdapin ng riding-in-tandem ang isang money changer sa loob ng Robinson’s Galleria sa Pasig City, alas-onse ng umaga.

Sa inisyal na imbestigasyon, nagpanggap na security guard ang mga suspek para makapasok sa basement ng naturang mall.

Binaril ng mga suspek ang security personnel ng Sanry Money Changer habang nagde-deliver ng pera sa kanilang tindahan.

Nagpasabog pa ang mga suspek ng dalawang granada para makatakas.

Pumutok ang isang granada at tinamaan naman ng shrapnel ang apat na bystander.

Hindi pa batid kung magkano ang natangay ng mga holdaper.

Pansamantalang hindi muna nagpapapasok sa loob ng mall.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply