Update: 1 patay, 9 sugatan sa lindol sa Masbate

NASAWI ang isang lola makaraang atakehin sa puso kasunod ng lindol na tumama sa Camarines Sur, habang siyam naman ang sugatan sa Masbate City.

Nakilala ang biktima na si Amparo Braga, 70, residente ng Zone 2, Barangay Pagatpatan, Bato, Camarines Sur.

Ayon mismo sa apo ng biktima na si Cherry Mae Cagitla ilang minuto pagkatapos na maramdaman ang lindol nakita na lamang na wala ng buhay sa loob ng banyo ang biktima.

Sinasabing kakalabas pa lamang sa Rinconada Medical Center ni Lola Amparo at nagpapagaling sa bahay ng kanyang apo ngunit nagdulot ng matinding nerbiyos naramdamang lindol dahilan upang atakehin muli sa puso na ikinamatay nito.

Samantala, nasa ligtas na ang kalagayan ng anim kataong iniulat na nasaktan sa magnitude 5.2 lindol sa Masbate City kaninang umaga.

Kinilala ang mga sugatan na sina Rex Divida, 8, taga Brgy. Bantigue na nagtamo ng foot injury; Jeho Emilio Antonio, 2, na nagkaroon ng head injury; Leonard Demitillar, 3; habang si Cristine Decos, 17, ng Brgy. Centro ay nagkaroon ng foot injury.

Nasaktan din sina Cesar Garapan, 16 at Jinky Azarez, 16, kapwa taga-Brgy. Nursery na nagtamo ng head injury.

Sa isinagawang ocular inspection dalawang mga school buildings ng Kinamaligan Elementary School ang nagkaroon ng bitak ang dingding.

Sinasabing nagtala rin ng pinsala ang isang commercial building na matatagpuan ang outlet ng Jolibee Masbate, at M. LHuiller, gayundin ang ilan pang mga glassware at hardware.

Kaugnay nito, kasunod ng malakas na lindol agad na inalerto ng PNP director ang mga barangay captain malapit sa epicenter ng lindol na kagyat na mag-organisa sa mga mamamaya sa posibleng aftershock.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply