UPDATE: 10 na sugatan sa lindol sa Masbate

UMAKYAT na sa 10 ang naitalang nasugatan sa 5.2  magnitude na lindol na tumama sa Masbate kaninang umaga.

Ayon sa Philippine Nationa Police (PNP) sa Bicol, mamgmula kaninang alas-3:30 ay umabot na sa 22 aftershocks ang naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ang mga sugat ng biktima ay nagmula sa mga nagbagsakan na gamit sa bahay at may ilan namang nadaganan ng pader.

Naitala rin ang pagkawasak ng isang bahay at 25 istraktura o gusali naman ang nakabitak-bitak.

Kaninang 7:20 ng umaga nang tumama naman ang magnitude 3.3 na aftershock na naramdaman ang Intensity 2 ng pagyanig sa Masbate City at Irosin, Sorsogon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply