UPDATE: 16 sugatan sa sunog sa Grand Central Mall

LABING ANIM katao na ang naitala ng Philippine National Red Cross na nasugatan sa nasusunog pa rin na Ever Gotesco Grand Central Mall sa Caloocan City.

Ginagamot ng mga miyembro ng Red Cross ang mga nasugatan.

Sa kasulukuyan, naapula na ang apoy sa unang palapag ng gusali ngunit patuloy pa ring inaapula ang iba pang palapag.

Batay sa report sa telebisyon, bumagsak na ang bubong ng naturang mall.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), hirap apulahin ang sunog dahil na rin sa makapal na usok.

Nabatid din na hindi agad pinapasok ng mga guwardiya ng mall ang mga bumbero na unang rumespode roon.

Nananatiling nakataas ang Task Force Delta sa naturang sunog.

Nakabantay naman ang mga awtoridad sa paligid ng gusali upang mapigilan ang sinumang magsasamantala sa nagaganap na sunog.

Samantala, hindi pa madaanan ang Rizal Avenue dahil sa nasabing sunog na nagsimula pa dakong alas-10:30 kagabi (Marso 16).

 

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply