UPDATE: 2 suspek sa pamamaril sa graduating stude kinasuhan na

KINASUHAN na ng robbery with homicide ang dalawang suspek na humoldap at nakapatay sa isang graduating high school student kamakailan.

Bago ito, naaresto kagabi (Marso 22) sa Taguig City ang dalawang suspek na sina Arnold Tagalog at Bobby Babago.

Ayon kay Taguig City Police C/Insp. Benito Basilio, positibong itinuro ang dalawa ng pinaghiraman nila ng motorsiklo na ginamit nilang getaway vehicle, matapos mapatay si Rowell Cruz noong Marso 20.

Si Cruz ay binaril ng mga suspek matapos tumangging ibigay kanyang PSP (PlayStation portable) nang holdapin ng mga una.

Nakatakda sanang magtapos si Cruz ngayong araw sa high school bilang isang honor student.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply