UPDATE: 4 patay, tulay nasira sa baha sa Capiz

APAT katao na ang kumpirmadong namatay, habang isang tulay ang nasira sa pagbaha sa Capiz dala ng tuloy-tuloy na pagbuhos ng ulan.

Ang apat na naitalang biktima ay pawang mga menor de edad matapos malunod sa mga palayan na may kalaliman ang tubig-baha.

Unang naitalang namatay ang tatlong taong gulang na si Kathlyn Padilla matapos mahulog habang naglalaro sa kanilang bahay malapit sa palayan na may tubig baha.

Sumunod na nalunod ang 14-anyos na si Jomer Albay, 2nd year high school student makaraang sumama sa mga kaibigan na nanghuli ng ibon, ngunit aksidenteng nadulas at tuloy-tuloy na nahulog sa ilog na may malakas na agos ng tubig.

Patay din ang magkaibigan na sina Julie Dioso 14, Grade 6, at Karen Denobo, 10 nang malunod sa paglalaro sa palayan na may malalim din na tubig-baha.

Samantala, sira naman ang tulay sa Pontevedra dahil sa baha, habang umaabot na sa 180 pamilya ang lumikas sa evacuation centers.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply