UPDATE: 5 na patay sa LPA sa Bicol

ISA pang mangingisda ang naiulat na binawian ng buhay matapos malunod sa Gigmoto, Catanduanes.

Dahil sa patuloy na pananalasa ng sama ng panahon sa Bicol region, pang-lima na si Edwin Caranza, 25 sa naitatalang namatay sa nasabing lalawigan.

Nabatid na pumalaot ang biktima kasama ang ilan pang kapwa mangingisda subalit aksidenteng nahulog sa bangka.

Dala ng malalakas na hampas ng alon ay agad na nawala ang biktima hanggang sa lumutang na patay na.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply