UPDATE: 5 patay, 1 grabe sa banggaan ng trak at multicab

LIMA na ang binawian ng buhay sa nangyaring banggaan ng trak at multicab sa Barangay Carpenter Hill, Koronadal City pasado alas-4:00 kaninang madaling araw.

Kinilala ang mga namatay na sina Joel Alvarez, drayber ng multicab; mag-asawang Domingo at Maria Jean Farochelin at anak na lalaki ng mga ito na si Carlo Farochilen; kapitbahay na si Ramon Dollente; pawang mga residente ng Poblacion, Barangay Kauran, Ampatuan, Maguindanao province.

Nasa kritikal na kondisyon naman hanggang ngayon ang isa pang biktima na si Relvin Nolasco, na nasa South Cotabato Provincial Hospital.

Ang nasabing mga biktima ang mga pasahero ng multicab (MVW-135), kulay puti at may biyaheng mula Ampatuan Maguindanao patungong Tacurong City.

Ligtas naman ang drayber ng prime mover (MWD-195) na kinilalang si Juanito Villaran na iniimbestigahan na sa traffic section ng Koronadal City PNP.

Sa salaysay ng kapatid ng isa sa mga biktima, madaling araw pa nang umalis sa kanilang lugar ang mga biktima at tutungo sana ng Polunoling,Tupi, South Cotabato upang bumili ng saging na kanilang pinagkakakitaan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply