UPDATE: 5 patay sa baha sa Capiz

LIMA katao na ang kumprimadong patay dahil sa pagbaha sa Capiz bunsod ng malakas na pag-ulan nitong nakalipas na araw.

Kinilala ang mga biktima na sina Katherine Padilla, tatlong taong gulang; Diomer Albay, 14; Julie Dioso, 14 at Karen Denobo, 10.  Inaalam pa ang pangalan ng isa pang biktima.

Nawasak rin ang isang tulay sa Pontevedra Capiz matapos sagasaan ng rumaragasang tubig na may dalng mga basura.

Sa ngayon baha pa rin ang 143 barangay sa 13 bayan sa Capiz.

Pansamantalang nasa evacuation centers ang may 324 na pamilya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply