UPDATE: 52 sugatan sa lindol sa Surigao

KUMPIRMADONG 52 katao ang nasugatan sa naganap na 5.9 magnitude na lindol sa Dinagat Island, Surigao del Norte.

Ayon sa Surigao City Quick Action Response Team Operations, nagkasugat-sugat ang bilang ng biktima nang magkaroon ng stampede matapos mag-panic ang mga ito na noon ay nasa loob ng kabubukas lamang na Gaisano Mall.

Bagamat pawang minor injury lamang ang tinamo ng karamihan sa biktima, tatlo naman sa mga ito ang patuloy na inoobserbahan sa pagamutan.

Naitala rin ang pagkakaroon ng pinsala ng wharf, multipurpose hall at may mga bitak ang provincial capitol ng San Jose.

Alas-3:58 ng Biyernes ng hapon nang lindolin ang nasabing lalawigan kung saan naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang epicenter sa timog-silangan ng Dinagat Island. Remate Online

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply