UPDATE: 7 na patay sa baha sa Capiz

UMAKYAT na sa pito ang naitatalang patay sa patuloy na pag-ulan sa Roxas, Capiz matapos mamatay ang 17-anyos na binatilyo nang malunod habang naliligo sa palayan na binaha sa Barangay Balucuan, Dao.

Nabatid na naliligo sa binahang palayan si Rey Ricaforte, kasama ang mga kaibigan nang anurin siya ng malakas na agos ng tubig.

Samantala isa pang bangkay ang natagpuan ng Capiz Emergency Response Team (CERT) sa Barangay Angub, Cuartero, Capiz na kinilalang si Henry Juliete, 47, nalunod sa kasagsagan ng malakas na agos tubig sa isang ilog kahapon.

Ang biktima ay sinasabing may deperensiya sa pag-iisip.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply