Update: 800 bahay gumuho sa lindol sa Mexico

TINATAYANG mahigit sa 800 bahay ang gumuho sa bayan ng Igualapa makaraang lindulin ng magnitude 7.6 ang Mexico.

Ayon sa US Geological Survey (USGS), naitala ang epicenter ng lindol, may 50 milya sa silangan ng Ometepec sa Guerrero State at may lalim na 11 milya.

Naramdaman ang pagyanig sa Mexico City maging sa Resort City ng Acapulco.

Nakaramdam din ng ilang aftershocks pero wala namang ipinalabas na tsunami warning.

Nagkaroon naman ng mga bitak ang ilang gusali at nabasag ang mga salamin, habang isang bus ang nadaganan ng gumuhong footbridge.

Wala pang ulat kung may nasaktan sa pagyanig.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply