Update: Ampatuan Sr. inilipat sa QC hospital

INILPAT na sa V. Luna AFP Medical Center sa Quezon City mula sa Taguig-Pateros District Hospital si dating Maguindanao Governor Andal Ampatuan Sr.

Una rito, kaninang ala-una ng hapon nang isugod sa Taguig-Pateros District Hospital si Ampatuan Sr. matapos na magsuka ng dugo at makaranas ng hypertension.

Ayon kay Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) director Rosendo Dial, ilang araw ng nilalagnat at nakararanas ng hypertension at iba pang mga karamdaman si Andal Sr. habang nasa loob ng Camp Bagong Diwa, Taguig City.

Ani Dial, batay sa unang pagsusuri na isinagawa ng mga doktor ay nag-70/50 ang blood pressure ni Ampatuan Sr.

Nakapiit ang dating Maguindanao governor sa BJMP Camp Bagong Diwa, matapos na ingusong utak sa Maguindanao massacre, kung saan namatay ang 58 katao kabilang ang mahigit 30 mamamahayag sa Sitio Masalay, Barangay Salman, Ampatuan, Maguindanao, noong Nobyembre 23, 2009.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply