UPDATE: Andal Sr. balik-selda na

BALIK-SELDA sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City si dating Maguindanao governor Andal Ampatuan, Sr. matapos bumuti ang kalagayan.

Ayon kay Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Director Rosendo Dial, maayos na ang kondisyon ng pangangatawan ng pangunahing suspek sa Maguindanao massacre.

Nabatid kay Lizzie de Jesus, public affairs officer ng AFP Medical Center, na dinis-charge na si Ampatuan bandang alas-11:15 ng umaga at sa bisa ng isang court order ay dinala ito sa Philippine Heart Center upang sumailalim sa CT Scan.

Nabatid na noong nakaraang linggo, kinumpirma ni Dr. Ma. Bella Siasoco, head ng pulmonary section ng Philippine General Hospital, na maayos na ang pulmonary status ni Andal Sr.

Ang dating Maguindanao governor ay isinugod sa ospital dahil sa pagsusuka ng dugo at paninikip ng dibdib.

Umabaot sa P76,167.00 ang hospital bill ng suspek subalit dahil isa itong senior citizen ay pinagbayad lamang ito ng halagang P60,933.00 para sa mga gamot na ginamit, ECG, X-ray, ultra sound at laboratory supplies.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply