UPDATE: Arraignment kay Andal Sr. muling naunsyami

NAGBABALA ngayon ang Pasay City Regional Trial Court (RTC) na maipataw ang contempt of court laban kay dating Maguindanao governor Andal Ampatuan Sr., makaraang mabigong makadalo sa itinakdang arraignment sa kasong electoral sabotage ngayong umaga.

Nitong nakaraang Marso 15, hindi rin nakadalo sa itinakdang arraignment si Andal Sr., sa Pasay City RTC dahil naka-confine pa ito sa V. Luna Veterans Medical Center bunga ng taglay na karamdaman.

Ayon kay RTC Judge Branch 112 Jesus Mupas, wala siyang nakikitang dahilan para maipagpaliban ang pagbasa ng sakdal laban kay Ampatuan Sr., kaya kung hindi makapaghain ng mosyon o manipestasyon si Andal Sr. mula sa abogado nitong si Atty. Albert Lee Angeles, maaaring ma-contempt ang dating gobernador.

Ayon kay Judge Mupas, kailangang maiprisinta ni Atty. Angeles ang medical report o medical abstract para malaman ang tunay na kalagayan ng dating gobernador.

Sinabi ni Atty. Angeles na maging ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ay wala pang nakukuhang report mula sa V. Luna Medial Center kung makalalabas si Ampatuan Sr.

Dahil dito, nagkasundo ang prosekusyon at depensa na itakda ang susunod na pagdinig sa darating na March 26, dakong alas-9;00 ng umaga, habang itinakda naman ang arraignment para kay dating Comelec chairman Benjamin Abalos Sr. dakong alas-10:00 ng umaga ng kaparehong petsa, na nahaharap rin sa kasong electoral sabotage.

Sinabi naman ni Felda Domingo. tagapagsalita ng Pasay City RTC, na sa March 26 ang arraignment ni Ampatuan ngunit depende pa rin ito sa kanyang kondisyon.

Aniya pa, inatasan na rin ng korte ang V. Luna Hospital na maisumite ang pinakahuling medical report ng mtandang Ampatuan.

Samantala, itinakda ng korte ang pagding sa petition for bail ni dating Pangulo Gloria Macapagal Arroyo at dating Comelec supervisor Lintang Bedol sa March 2, para sa nasabi ring kaso.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply