UPDATE: DOST Usec. Yumul hindi nagbitiw sa pwesto

BINIGYAN-LINAW ngayon ni Department of Science and Technology (DOST) Undersecretary Graciano Yumul, na hindi siya nagbitiw o nag-resign sa puwesto.

Unang naipahayag sa media ni DOST spokesperson Mon Liboro na nagbitiw si Yumul sa kanyang puwesto.

Ayon kay Yumul, officer-in-charge din ng PAGASA, noong Lunes (Marso 12) pa siya nagretiro sa kanyang pwesto.

Ipinaliwanag pa ni Yumul na nais lamang niyang i-avail ang kanyang optional retirement.

Matatandaan na si Yumul ang pumalit kay dating PAGASA DOST chief Prisco Nilo, na pinatalsik ni Pangulong Benigno Aquino III noong Agosto 2010.

Samantala, itinalaga naman bilang officer-in-charge si Amelia Guevarra, ang current director ng Philippine Council for Industry, Energy and Emerging Technology Research and Development (PICEERD), isang ahensya ng DOST.

Si Yumul ay dating director din ng PICEERD bago naging assistant secretary ng PAGASA.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply