UPDATE: Ex-DOTC chief Mendoza, ligtas na

NASA ligtas nang kalagayan matapos atakehin sa puso si dating Transportation and Communications (DOTC) Secretary Leandro Mendoza kanina.

Ito ang kinumpirma ni Thompson Lantion, DOTC undersecretary, matapos sabihing naigagalaw na ng dating opisyal ang kanyang mga paa at nakakatango na rin bagamat nasa intensive care unit (ICU) pa rin ng St. Luke’s Medical Center, Taguig City.

Nauna nang iniulat na habang nagseselebra ng kanyang kaarawan si Mendoza sa isang resort sa San Juan, Batangas nang atakehin sa puso at mawalan ng malay.

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply