UPDATE: Ex. DOTC Sec. Mendoza nagpiyansa na

NAGHAIN na rin ng piyansa si dating Transportation and Communications (DOTC) Secretary Leandro Mendoza matapos magpalabas ng arrest warrant ang Sandiganbayan kaugnay ng kasong graft na may kinalaman sa NBN-ZTE deal.

Nagtungo si Mendoza kasama ang kanyang mga abogado sa Sandiganbayan 4th division at naglagak ng P30,000 piyansa.

Sumailalim si Mendoza sa fingerprinting pero hindi na kinunan ng mugshot sa halip nagsumite na lamang ng mga litrato.

Ipinaubaya naman ni Mendoza sa kanyang abogadong si Atty. Alexander Poblador ang pagbibigay ng pahayag kaugnay sa kinasasangkutang kaso.

Ayon kay Labrador, plano nilang iakyat sa Supreme Court ang kaso dahil dati na itong naibasura ng Ombudsman.

Pinaplano na rin ituloy na lamang ang paglilitis dahil naniniwala naman silang walang matibay na ebidensya laban kay Mendoza kaugnay ng maanomalyang $328 million NBN-ZTE deal.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply