UPDATE: FG Mike Arroyo nagpiyansa na

NAGPIYANSA na si dating first gentleman Jose Miguel “Mike” Arroyo makaraang magpalabas ng warrant of arrest ang Sandiganbayan laban sa kanya kaugnay sa kinasasangkutang maanomalyang NBN-ZTE deal.

Kasama ang kanyang abogado na si Atty. Ferdinand Topacio, naglagak ng P30,000 piyansa si Ginoong Arroyo sa 4th Division ng Sandiganbayan bago mag-alas 2:00 kaninang hapon.

Nauna rito, naglabas ng warrant of arrest ang Sandiganbayan laban kina dating Pangulong Gloria Arroyo; dating Comelec Commissioner Benjamin Abalos; at dating Transportation and Communications Secretary Leandro Mendoza kaugnay sa naudlot na $329-million National Broadband Network deal.

Nagtataka si Ginoong Arroyo sa paglalabas ng warrant of arrest dahil hindi pa na nagdedesisyon ang korte sa kanilang inihaing motion for judicial determination of probable cause.

Iginiit ni Arroyo na walang hurisdiksyon ang Sandiganbayan para humawak sa kaso dahil hindi siya opisyal ng gobyerno.

Nakatakda na ring dalhin ng mga pulis para ihain ang warrant of arrest laban kay Mendoza sa kanyang bahay sa BF Homes, Parañaque.

Samantala, sina Gng. Arroyo at  Abalos ay kasalukuyan nang nakapiit sa sa magkahiwalay na kulungan dahil sa pagkakasangkot sa usaping electoral sabotage.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply