UPDATE: Ginang todas sa riding in tandem

PATAY ang isang ginang na naunang napaulat na kaanak ni Marikina City Mayor Del de Guzman matapos na pagbabarilin ng dalawang suspek na motorcycle “riding in tandem” sa Marikina City kagabi (Marso 30).

Kinilala ni Marikina City chief of Police P/Sr. Supt. Gabriel Lopez ang biktima na si Sheryl Tan, 35, may-asawa, residente ng Phase 1 Montery Hills, Barangay Fortune, ng nasabing lungsod.

Mabilis namang tumakas ang dalawang suspek na kapwa armado ng kalibre .45 sakay ng isang Yamaha Mio motorcycle na walang plaka.

Sa ulat, naganap ang insIdente dakong alas-9:30 ng gabi sa kahabaan ng tandang Sora St., Brgy. Parang, Marikina City.

Nabatid na sakay ng kanyang motorsiklo ang biktima kasama ang kaibigang si Christobelle Medina, 34, nang sabayan sila ng mga suspek.

Pagsapit sa nasabing lugar, agad na pinutukan ng mga suspek ang ginang na tinamaan sa leeg at ulo habang masuwerte namang hindi tinamaan ang angkas.

Sa isang text messages na ipinadala ni Marikina PIO chief Paul Sison, sinabi ng alkalde na “’di ko pa alam kung distant relative namin ang biktima, pinatatanong ko pa ang mga parent, pero hindi ko pamangkin.”

Nagsasagawa na ng masusing imbestigasyon ang Marikina PNP para matukoy kung sino ang mga salarin at ano ang motibo ng pamamaslang.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply