UPDATE: Grand Central patuloy na nagliliyab

PATULOY pa ring nagliliyab ang loob ng Ever Gotesco Grand Central Mall sa Caloocan City.

Dahil dito, pinalikas na ng kinauukulan ang mga residente na nasa tabi ng mall sa Rizal Avenue Ext., kaninang umaga.

Pinangangamban ng mga awtoridad ang kaligtasan ng mga residente dahil posibleng bumigay ang nasusunog na mall at makapinsala.

Umabot na rin sa 17 bumbero ang nasaktan sa sunog, na nagsimula noong Biyernes ng alas-10:30 ng gabi.

Dakong alas-11:55 naman noong Sabado ng gabi ng idineklarang under control ang sunog subalit hanggang sa kasalukuyan ay patuloy pa rin ang pagliyab.

Una nang nagreklamo ang ilang bumbero dahil hindi sila pinapasok agad sa loob na naging dahilan upang hindi mapatay ang apoy.

Noong Oktubre 24, 1991, nasunog na rin ang nasabing mall na tumagal ng halos tatlong araw bago naapula.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply