UPDATE: Lamig sa Baguio City mas tumindi pa

MAS tumindi pa ang lamig na nararanasan sa Baguio City matapos bumagsak sa 10.8ºC (degress Celsius) ang temperatura doon, ayon sa ulat ng PAGASA ngayong umaga.

Ito na ang pinakamababang temperatura ngayong taon kahit nasa summer season na ang bansa.

Ang 10.8ºC ay mas mababa sa pinakamababang record na naitala sa lungsod mula noong nakaraang Disyembre hanggang kahapon (Marso 27) na 11.4ºC.

Sa ulat ng PAGASA-Baguio, ang malamig na temperatura ay epekto ng pagbabago ng klima (climate change) at umiiral na cold front sa bansa ngayon.

Nabatid na ang normal na temperatura sa Baguio City ay nasa pagitan ng 14ºC hanggang 16ºC.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply