Update: Motion to bail ni GMA diringgin sa March 22

MULING itinakda ng Pasay City Regional Trial Court ang pagdinig sa motion to bail kaugnay sa kasong electoral sabotage ni dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Cong. Gloria Macapagal Arroyo sa March 22.

Ang pagdinig ay unang inurong ni RTC Branch 112 Judge Jesus Mupas sa March 27, matapos na mabigo ang prosekusyon na iprisinta ang kanilang mga testigo sa dinidinig na usapin.

Dahil umapela ang depensa para sa mabilis na paglilits, muli itong itinakda sa Marso 22.

Dumalo sa pagdinig si dating Commission on Elections (Comelec) supervisor Atty. Lintang Bedol at ang abogado ni Ginang Arroyo na si Atty. Benjamin Santos.

Ayon kay Atty. Benjamin Santos, nakahanda ang kanilang kampo na kontrahin ang ihaharap na testigo at ebidensiya ng prosekusyon.

Ayon sa prosekusyon, kailangan nilang protektahan ang 12 testigo na ihaharap pati na ang ebidensya laban sa mga inaakusan na hindi nakarating sa naturang pagdinig ngayong umaga.

Sinabi naman ni Atty.Santos, kailangan munang makumbinsi ng prosekusyon ang korte na malakas ang kaso sa pamamagitan ng ipiprisintang ebidensiya at testigo.

Batay aniya sa Saligang Batas, karapatan ng isang akusado na makapaghain ng piyansa kung walang matibay na basehan sa kanyang pagkakasala.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply