UPDATE: NAIA Media Affairs nagpaliwanag sa sumingaw na acetylene

NAGPALIWANAG ngayon ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Media Affairs na sumingaw lamang ang acetylene tank na naging dahilan para mabulabog ang ilang pasahero sa terminal 1.

Ayon kay NAIA media Affair Bureau chief Connie Bungag, walang naganap na pagsabog o anumang pumutok na baril na ikinaalarma ng mga pasahero sa domestic area ng paliparan.

Ipinaliwanag ni Ms. Bungag na nasa rehabilitation ang buong terminal 1 nang biglang buksan ng isang trabahador ang tangke ng gas na lumikha ng malakas na pagsirit ng gas na animo’y malakas na pagputok.

Nilinaw ni Ms. Bungag na walang dapat na ipangamba ang mga pasahero sa naturang paliparan dahil walang naganap na anumang abrerya at walang iniulat na nasaktan o namatay sa pagsirit ng tangke.

Samantala, sinabi ni Bungag na nagbigay na ng kahandaan ang Aviation Security Group (ASG) sa mga pasahero na dumarating at pumapasok na pasahero na papauwi at papunta sa probinsya.

Inaasahang dadagsa ang mga pasahero sa paliparan sa Lunes (Abril 2) at nagdagdag ng flight ang ilang airlines para hindi maantala ang biyahe ng mga pasahero patungong probinsya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply