UPDATE: P4M hinihingi ng kidnappers ng 2 guro sa Iligan City

APAT na milyong piso (P4 milyon) ang hinihinging ransom ng mga dumukot sa dalawang guro sa Iligan City.

Nabatid sa ulat sa telebisyon, na nag-iwan ng sulat ang mga dumukot kina Keno Sanchez at Rene Sumagang sa lugar na pinagyarihan ng pagdukot.

Ayon sa ulat, ang dalawang guro ay nagpapahinga sa Limunsudan Bayug Falls Elementary School sa Barangay Rogongon, Iligan City, nang dukutin ng may 30 armadong kalalakihan.

Sinasabing dinala sa bulubunduking bahagi ng lugar ang dalawang guro.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply