UPDATE: Sekyu utas, 6 pa sugatan sa money changer robbery-hold-up

ISANG security guard ang namatay habang anim katao ang nasugatan matapos barilin ng dalawang holdaper na humoldap isang money changer sa Robinson’s Gallerlia sa Quezon City kaninang umaga.

Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) director Chief Supt. Romeo O. Dela Vega ang namatay na biktima na si Eulogio Villa, 39, security guard.

Habang sugatan naman ang kasamahan nito na nakilalang si Roderick Reloso, 34, tauhan ng Gallantry Security and Investigation Agency at nakatalaga sa Security Bank.

Sugatan din ang dalawang bank teller na sina Vincent Mangatura at Leo Raymundo, Roquel Adrian, Joan Dionisio at isang nakilala lamang na Jeremy.

Ayon sa ulat ng QCPD, dakong 10:30 ng umaga kanina nang maganap ang insidente sa Sanry Money Changer sa nasabing mall.

Sa ulat ng pulisya pumasok sa nasabing mall ang dalawang security guard kasama ang teller ng Security Bank para dalhin sa isang money changer ang dala nilang pera.

Habang naglalakad ang mga biktima hinarang sila at tinutukan ng baril ng dalawang armadong lalaki at sapilitang tinatangay ang dalang salapi na nakalagay sa duffle bag.

Sa puntong ito, agad na binaril ng mga suspek ang dalawang rumespondeng guwardiya at mabilis na tumakas saka tinangay ang duffle bag na naglalamang pera.

Papatakas na ang mga suspek sakay ng dalawang nag-aabang na motorsiklo ng maghagis sila ng dalawang granada sa kanilang pagdaan sa EDSA kung saan sumabog ang isa na ikinasugat ng anim katao.

Agad na hinabol ng mga operatiba ng QCPD ang mga holdaper.

Inaalam na kung anong grupo ang may kinalaman sa naturang holdapan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply