UPDATE: Shooting incident sa mall sa Ortigas, 3 sugatan

TATLO katao ang nasugatan sa naganap na shooting incident malapit sa isang mall sa Ortigas area umaga ng Huwebes, Marso 29.

“Avoid EDSA Ortigas NB, due to shooting incident (initial report) take J.Vargas then destination,” ito ay base sa pahayag ng sa isang advisory ng Twitter account ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Batay naman sa panayam kay Vincent Lizada ng MMDA sa dzBB, may dinalang dalawang bystander sa naturang lugar upang lapatan ng first aid.

Sinasabing ang dalawang nasugatan ay nag-aabang ng masasakyan nang paputukan sila ng suspek at maghagis ng granada sa kanilang kinatatayuan.

Batay naman sa hiwalay na report ng dzBB, nasugatan din ang security guard sa nasabing insidente.

Kinordonan na rin ng pulisya ang lugar malapit sa mall kung saan nangyari ang pamamaril.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply