Updated bullet proof car oks sa Malakanyang

OKEY na sa Malakanyang na magkaroon ng updated bullet proof na sasakyan si Pangulong Benigno Aquino III.

Ayon kay Presidential spokesman Edwin Lacierda, mas makakabuti iyon sa Chief Executive lalo pa at marami pa rin ang nagtatangka na maalis siya sa puwesto.

Tinatayang 200 mambabatas ang lumagda sa isang resolusyon na humihiling sa Department of Budget and Management (DBM) na ibili ng bulletproof at bombproof vehicle si Pangulong  Aquino upang mapalitan na ang sira at accident-prone car na ginagamit nito sa Malakanyang.

Ang mga signatories ng House Resolution 2191 ay sina An Waray party-list Rep. Florencio Noel, Western Samar Rep. Mel Senen Sarmiento, Laguna Rep. Danilo Fernandez, at Eastern Samar Rep. Ben Evardone, ay nagkaisang nagpahayag na napipilitan na lamang ang Pangulong Aquino na gamitin ang kanyang personal car bunsod ng kasalatan ng presidential vehicle sa kanyang ilang pagbisita sa ibang panig ng bansa.

Nakasaad sa resolusyon na “to acquire a new state car equipped with the latest security features, so the PSG (Presidential Security Group) can better protect the President in the face of stepped-up attacks by international terrorists who use improvised explosive device (IED) bombs to assassinate their targeted dignitaries.”

Nagkaisa ang mga mambabatas sa pagsasabing maaari namang mag-realign ng pondo ang DBM mula sa naitabing pera ng pamahalaan para ibili ng sasakyan ang Pangulong Aquino na maaari rin niyang gamitin sa kanyang pagbisita sa ibang bansa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply