UPLB murder case sarado na

SA PAGKAKAHULI sa pangatlong suspek, ikinokonsidera na ng awtoridad na ang kasong pagpatay sa University of the Philippines Los Baños (UPLB) student na si Ray Bernard Peñaranda ay lutas na.

Sinabi ni Police Regional Office (PRO-4) Director James Andres Melad, na si Carl de Guzman ang pangatlo at huling suspek sa kaso.

“The Peñaranda slay case is now considered solved with the arrest of the three suspects,” pahayag ni Melad sa isang press conference kaninang umaga.

Sinab ni Melad na si De Guzman ay nahuli sa Barangay Tagas, Daraga, Albay nitong kahapon (Biyernes) ng alas-2:00 ng hapon kasunod ng ikinasang hot pursuit operations.

Ang dalawang iba pang suspek na sina Joseph Beltran, alias “Sepo,” at Tyrone Kennedy Terbio, ay nasa kustodiya na ng pulisya. Matatandaan na sumuko si Terbio nito lamang nakaraang Huwebes.

Ibinunyag din ni Melad na si De Guzman at Terbio ay sangkot sa illegal drug dealings at serye ng robbery incidents sa Los Baños.

Inginuso ni Sepo sina Terbio at De Guzman sa pagpatay kay Peñaranda at sinabi na kasama niya ang dalawa nang holdapin at pinatay ang BS Agriculture student noong Marso 4.

“De Guzman will also be facing a robbery with homicide case before the proper courts. He will be turned over to the Laguna PPO (Provincial Police Office) and Los Baños Police station for appropriate legal action,” pahayag ni Melad.

Samantala, sinabi ni Laguna Police Director, Senior Superintendent Gilbert Cruz, na iimbestigahan nila ang umano’y police connivance sa Peñaranda robbery-slay case.

“Hindi po namin kukunsintihin ‘yong mga pulis na ‘yan. After po ng kasong ito, ang susunod naming sasampahan ng kaso ‘yong mga pulis na nabanggit dyan sa kasong ito,” pahayag ni Cruz.

Tumanggi namang pangalanan ni Cruz ang mga protektor ng mga suspek sa naturang kaso.

“Ayaw naming ma-preempt ‘yong future investigation na gagawin sa mga pulis. But ‘yong mga statements na ibinigay ni Joseph Beltran at Tyrone Kennedy Terbio ay mga ebidensiya na gagamitin namin sa mga inbestigasyon na gagawin namin at pagpa-file ng criminal at administrative case laban po sa mga pulis na involved dito,” pahayag pa nito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply